Monday, September 14, 2009

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Ipinagdiwang ng Paaralang Pansekundarya ng E. Barretto Sr. ang Buwan ng wika noong nakaraan linggo. Ang pagdiriwang ay tinawag na Araw ng Pinoy 09 at may temang "Ating Kultura ay Pahalagahan upang Pagkakaisa ay Makamtan". Ang pagdiriwang ay isinagawa sa pamumuno ng mga guro sa Filipino at mga Opisyales ng Filipino Club na binubuo ng mga magaaral mula sa ibat ibang antas. Nagkaroon ng ibat ibang kumpetisyong pang akademiko at ko- kurikular. Nagkaroon ng paligsahan sa pagsulat ng tula, sanaysay, pagsulat ng talumpati at pagsulat ng editoryal. Mayroon ding paligsahan sa pagguguhit o paggawa ng poster. Ang pagbibigay ng parangal ay isinagawa bago matapos ang programa. Sa gawaing ko- kurikular, nagkaroon ng paligsahan sa mga katutubong sayaw. Carinosa sa mga nasa Unang Antas, Bulaklakan sa mga Ikalawang Antas Tinikling sa Ikatlong Antas at Muslim Dance sa mga Ikaapat na Antas. Nagkaroon din ng paligsahan sa maramihang pagawit. Ang pagdiriwang ay tinampukan ng pagpili sa Lakan at Lakambini 2009. Ang mga nagwagi sa mga paligsahan ay sina Lyka Marie Fernandez ng I- A sa tula, Rubie Rose Bolo ng II- A sa pagsulat ng Sanaysay, Jennifer Brusola ng III- A sa Talumpati at sa pagsulat ng Editoryal ay si Dale Ranzy Isole ng IV- A. Sa larangan ng pagguhit- nakuha ni Cedrick Javier ng IV- A ang unang karangalan, si Carlo Parabuac at si Sebastian Clarence Repomanta ng IV- A sa ikalawa at ikatlong puwesto. Sa larangan ng pagsayaw, Ang Unang Karangalan ay nakuha ng I-A sa sayaw na Carinosa, sa sayaw na Bulaklakan- ang Unang Karangalan ay nakuha ng II- B; ang III- A naman ang nagwagi sa pagsayaw ng Tinikling at sa Muslim Dance (Singkil) ay napanalunan ng IV- A. Sa maramihang awit naman ay nakuha ng IV- B. Sa pagpili ng Lakan at Lakambini ng pagdiriwng, ang mga nagwagi ay sina Edward Mirabuenos ng IV- C at Emy Leonor ng III- A. Sina Mrs. Herminia P. Legan, Mrs. Vivencia Navarro at Mrs. Cirila T. Perez ang mga gurong naging punong abala sa nasabing pagdiriwang. Mabuhay kayong lahat.

No comments:

Post a Comment